You are currently browsing the tag archive for the 'mental' tag.
Kaninang hapon lang, inatake na naman ako ng sakit ng sikmura matapos ang ilang buwan na hindi nakakaramdam nito. Dun sa ilalim ng buto. Sobrang sakit.
Sa aking pamimilipit sa gitna ng katahimikan, hindi ko maiwasang hindi mag-isip. Bukod sa sakit na dinaranas ko noong mga oras na iyon, naisip ko kung bakit ako nasasaktan. Pati ang mga bagay na nakakasakit sa akin, naisip na rin. Lahat ng bagay.
Habang iniisa-isa ko ang mga bagay na iyon, naisip ko na naman kung bakit kailangan ko pang makaranas ng matinding sakit ng katawan bago ko mapagtanto ang mga ito.
Umiikot lang ito sa salitang SAKIT. Iba-iba man ng kahulugan, yun pa rin ang bagsak.
Maraming uri nito. May pisikal, mental, at ang pinakasikat ay ang emosyonal. Sa pisikal, maiisip ang mga karamdaman. Sa mental, uso ang pagod na dulot ng pag-aaral o pag-iisip. Sa emosyonal naman, lalabas ang pangalan ng mga tao na may kinalaman sa iyong damdamin.
Iba ang ibig sabihin ng “ikaw ay nagkasakit” sa “ikaw ay nasaktan” at sa “ikaw ay nagpakasakit”. Minsan, kung nagkasakit ka, hindi ka agad maiiyak. Pero kapag nasaktan ka, ibang usapan na yan. Iiyak ka na talaga. Maaaring pisikal na nasaktan o emosyonal na nasaktan. Anu pa man, di hamak na mas may epekto ito sayo kesa sa sakit mo.
Bakit nga ba tayo nasasaktan?
Naitanong mo na ba yan sa sarili mo? Malamang ang madalas na sagot ay “syempre tao tayo” o di naman kaya madadamay pa ang isip at damdamin. Pati kaluluwa na rin.
Di naman kasi lahat ng tao nasasaktan. May mga taong manhid.
May damdamin pero walang pakiramdam.
May utak pero hindi nag-iisip.
May puso pero hindi sinusunod.
May kaluluwa pero walang awa.
Kaya ang mabuti pa, wag niyo na hintayin na maospital kayo bago niyo malaman kung gaano na kayo nagkasakit at nasaktan.
Tandaan: Hindi ka manhid para hindi mo maramdaman yun.

