You are currently browsing the monthly archive for Mayo 2008.
Sa panahon ngayon, iba na ang kahulugan ng pagmamahal. Habang tumatagal, nababahiran ng masamang epekto ang salitang ito.
Para isang hamak na drayber o tsuper na tulad ko, masakit isiping may nagmamahal pang iba. Sapagkat ang pagmamahal ng gasolina ay sapat na upang magdusa kami sa buhay.
Tama. Gasolina. Siya lang ang “pinakamapagmahal” sa lahat. Yan ay sa ngayon. Tila nagpapakita ng “public display of affection” sa sambayanan. Ang mga bilihin naman sa palengke ay hindi araw-araw nababalita. Pero ang gasolina, maya’t maya may flash report. May nagbibigay ng update.
Hindi madaling itago na hindi tayo naapektuhan sa pagmamahal nito. Buong mundo, at hindi lamang ang Pilipinas, ang nakakaranas ng sakit sa damdamin na dulot ng gasolina.
Tulad ng isang linya sa pelikula, maaari nating sabihin sa gasolina na:
“Nagmamahal ka nga, pero ang sakit-sakit na!”
Hindi lang sa damdamin masakit, kundi lalong lalo na sa bulsa. Sinasabi nila na para mas makatipid ay mag-commute na lang. Pero ganun din naman. Walang pinagkaiba. Butas din ang bulsa sa pamasahe.
Ayon sa isang kasabihan:
“Love has no price.”
May isa pang madrama at madalas na naririnig:
“Hindi mo masusukat ang pagmamahal.”
Pero ang walang sawang pagmamahal ng gasolina at iba pa ay nasusukat natin.
Sa presyo nito.
Nakaramdam ka na ba ng kakaibang nangyayari sa mata mo?
Tipong halos lumabas na ito sa kanyang kinalalagyan sa bungo?
Maipapaliwanag ba ito ng siyensya? O sadyang base lang ito sa pakiramdam at paningin ng tao?
Madalas ay nagpupuyat na ang daigdig ngayon. May katuturan man o wala ang pinagkakapuyatan, madalas sabihin sa mga taong ito na nanlalalim ang kanilang mga mata. Ngunit ang hindi nalalaman ng nakararami, halos lumuwa ang mga mata niyan sa kakaharap sa kompyuter. Maghapon magdamag na nakatitig sa kawalan. Samu’t saring kulay at laki ang mga tinitingnan. Tila hinihigop ang mata unti-unti.
Yun ang dahilan kaya’t luwa ang mata ng karamihan.
Nakakapagtaka kung paano kumain ang isang gutom na senior citizen.
Bago siya kumain ay mapapansing mabagal ang kanyang pagkilos. Di makatayo, tamad na tamad, at tila bulok na sitaw sa pagkakaupo. Kapag kinausap mo’y parang robotik. Mabagal na nga, monotonous pa. Pag tatayo na yan ay magpapahila pa sa ‘yo. Lilitaw ang mga naglalawlawang braso na parang lukot na manila paper na nakasampay na lang sa buto. Mahahawakan mo ngayon ang kamay na parang luya. Mas makinis pa nga ang tunay na luya kung tutuusin. Sisimple siya ng akbay sa ‘yo. Didilim ang paningin mo sa bigat ng binuhat na aakalaing pasan mo na ang daigdig.
Habang nasa mesa at kumakain, may pustiso man o wala ay lalamon yan na parang mauubusan ng pagkain. Makikipag-agawan pa yan ng ulam minsan. Sisimutin niya ang ilalim ng kaldero o rice cooker. Kahit tutong, papatusin. Pati mga tumalsik na butil na kung saan-saan na nahulog, pupulutin at isusubo. Pagkatapos kumain, yung plato niya kala mo hindi nagamit. Yung tubig, ubos niya isang pitsel.
Tatayo na yan at didighay. Hihimasin ang tiyan na busog na busog. Magtitinga pa yan minsan gamit ang toothpick o kamay na lang. Minsan naman, kala mo ngumunguya pa. Yun pala nagtitinga na.
Pagkatapos ng lahat, siya pa may ganang maghugas ng mga pinagkainan. Palibhasa may lakas na. More energy, mas happy. Maglalakad pa yan ng patalikod para lang magpakitang gilas. Minsan iisipin mo pa kung ano ba nakain niya at nagkaganun siya bigla. Yun ay dahil may nakain siya. Hindi na mahalaga kung ano pa yun.
Kaloka!

